Lyric provided by www.seekalyric.com

Bayang magiliw,
Perlas ng silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay

Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting;
Sa manlulupig
'Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok, sa simoy
At sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal;

Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw niya'y
Kailanpama'y 'di magdidilim

Lupa ng araw. ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na 'pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa 'yo.