Lyric provided by www.seekalyric.com

Ikaw na nga walang iba
(Composed & Sung by: Joseph Janoyan a.k.a. DugyOt)

I
di ko na iniisip
sariling kong kapakanan
ang nais ko'y mapasaya ka
kahit pa nga konti lang

kagalitan man ng aking ina
wala na kong magagawa
ang ibig ko'y makasama ka
kahit na sandali lang

chorus:
ikaw ang aking ligaya
hanap ng puso kong ulila
ikaw na nga walang iba
pinapangarap ko sa tuwina

binihag mong aking mata
ngayon lang ito nadama
puso ko'y tuwang-tuwa
sa piling mo lahat magagawa

ikaw ang aking ligaya
ikaw na nga walang iba

II
makita't mayakap ka ay ayos na
bawi na sa pagod na nadarama
sa buong maghapong na paggawa
kahit pa nga walang pera

sayo lang ako tatabi
hinding-hindi mawawala
kaya't wag kang sanang mabibigla
kung dyan ako sa inyo tumira....

chorus

sayo lang ako tatabi
hinding-hindi mawawala
kaya't wag kang sanang mabibigla
kung dyan ako sa inyo tumira....

kaya't wag kang sanang mabibigla
kung dyan ako sa inyo tumira....
tumira...
TUMIRA.....

chorus