Lyric provided by www.seekalyric.com |
Chorus: Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila Ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila Bandera ko'y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, sa akin kayo ay bibilib 1st verse: Simula pa nang bata pa ako Halata mo na kapag naglalaro Kaya parang lahat ay nalilito Magaling sa chinese garter at piko Mga labi ko'y pulang-pula Sa bubblegum na sinapa Palakad-lakad sa harapan ng salamin Sinasabi sa sarili anong panama nila Habang kumekembot ang bewang Mga hikaw na gumegewang Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang Upang matakpan ang mga pasa sa mukha Na galing sa aking ama na tila di natutuwa Sa tuwing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan Na imbes na tumigas ay tila lalong lumalambot Ang puso kong mapagmahal parang pilik matang kulot Chorus: Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila Ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila Bandera ko'y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, sa akin kayo ay bibilib 2nd verse: Hanggang sa naging binata na ako Teka muna mali, dalaga na pala 'to Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin Ano bang mga problema nyo? Dahil ba ang mga kilos ko'y iba Sa dapat makita ng inyong mata? Sa tuwing nanunuod ng liga ay laging natutulala Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang-tuwa Kahit de kalyo na sa tapang Kasi ganun na lamang Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang Tama na naman Itay, di na po ako pasaway Di ko na po isusuot ang lumang saya ni Inay Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat Chorus: Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila Ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila Bandera ko'y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, sa akin kayo ay bibilib 3rd verse: Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama Nagpakalayu-layo, ni hindi makabisita Kakain na po Itay, nakahanda na'ng lamesita Akay-akay sa paglakad, paisa-isang hakbang Ngayo'y buto't balat ang dating matipunong katawan Kaya sa'yong kaarawan susubukan kong palitan Ang lungkot na nadarama wag na po nating balikan Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagka-cancer Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakadaster Isang gabi ako'y iyong tinawag, lumapit ako sa'yong tabi Ika'y tumangan, kumapit ka sa aking kamay Kahit hirap magsalita, anak patawad sana sa lahat ng aking nagawa Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, sa akin kayo ay bibilib Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila Bandera ko'y di tutumba |