|
Lyric provided by www.seekalyric.com |
Bakit lagi nalang nagtatanong Damdamin ko'y gulong-gulo May pagkukulang na hindi mapuno. Hindi malaman kung saan sisilong Ako'y urong sulong dito't doon Ang puso ko'y laging bigo Chorus: Kailan makikita, kailan madarama Ang tunay na pagmamahal ng iyong pag-sinta Laging naghahanap, laging nangangarap Sa bituin nagniningning matutupad Ang tangi kong hiling Sadyang mapagbiro ang tadhana Bigla-bigla kang gugulatin Saan-saan ka hihilahin Hanggang kailan itong pagdurusa Lagi akong natutulala Tangi kong hawak ang aking pag-asa Chorus: Kailan makikita, kailan madarama Ang tunay na pagmamahal ng iyong pag-sinta Laging naghahanap, laging nangangarap Sa bituin nagniningning matutupad Ang tangi kong hiling Hahanapin ko ang kaharian mo At makikita ang tunay kong anyo Kasama mo sapat na ito ohhh Chorus: Kailan makikita, kailan madarama Ang tunay na pagmamahal ng iyong pag-sinta Laging naghahanap, laging nangangarap Sa bituin nagniningning matutupad Ang tangi kong hiling Ang Tangi Kong Hiling. |