Lyric provided by www.seekalyric.com |
Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik Tatawagin kang kaibigan na pinakamatalik Pupulupot sa leeg mo't sisipsip ng iyong dugo Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo Sa gitna ng kaguluhan may kumukulong bulkan Di ma pigil ang yabang at sakdal na kasakiman Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya Kung kaya kang paikutin tiyak paiikutin ka Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog Lumiyab ka…. Sa gitna ng kadiliman may buwitreng nagmamasid May magbabato ng putik ngunit walang mayayanig Iiyak ang mga batang nahulugan ng kendi Lahat ng mga problema sa iba sinisisi Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik Itinuring mong kaibigan na pinakamatalik Leeg mo'y pupuluputan dugo mo'y sisipsipin Kapag wala ka nang pakinabang ang ending mo'y sa bangin Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog Lumiyab ka…. Tuwing hating gabi maririnig mo ang huni Ng mga kaluluwang naliligaw Lahat ng pera sa mundo hindi kayang gawing ginto Ang huwad na tao.. Ang mga tinig palakas ng palakas hanggang gumuho ang mga hadlang Saksi ang langit sa lahat ng naganap Saksi ang langit sa ikalawang yugto … Lumiyab ka…. Sa ngalan ng katotohanan Sa ngalan ng iyong dangal Ang puso at iyong isipan Ialay mo sa Maykapal |